Ama, nilayasan ng pamilya, nagbigti

MANILA, Philippines - Hindi nakayanan ni Virgilio Pesino, 46, ang ginawang pag-iwan sa kanya ng kan­yang pamilya kaya ipinasya niyang magpatiwakal sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili dakong alas-8:00 ng umaga kamakalawa sa Pasay City.

Inaway umano ang una ng kanyang misis noong Agosto 16 dahil sa paglalasing kaya nagalit ito. Tinangka namang awatin ng anak na si John ang biktima ngunit binalingan ito at akmang tatagain na agad din nasalag ni John.

Bumagsak ang itak ni Pesino sa natutulog na apat na taong gulang na apo ngunit masuwerteng hindi ito napu­ruhan. Bunsod nito’y, nagde­sis­yon ang asawa at anak ni Pesino na siya ay iwan.

Ayon sa mga awtoridad, po­sibleng dahil sa pagsisisi sa kanyang nagawa sa pamilya ang nagtulak dito para mag­pa­kamatay. (Danilo Garcia)


Show comments