MANILA, Philippines - Walong pasahero ng Corinthian bus ang sugatan nang bumangga ito sa Kato truck habang nakaparada sa gilid ng kalsada dakong alas 4:30 ng madaling-araw sa EDSA-Guadalupe, Makati City kahapon.
Sinabi ng mga pasahero ng bus na napakabilis ng pagpapatakbo ng driver na si Jun Abbas at huli na nang makita nito ang naturang truck.
Iniimbestigahan naman ng mga otoridad kung may early warning device ang nasabing truck.
Isinugod sa Ospital ng Makati ang mga sugatan. (Danilo Garcia)