Long hair at de hikaw sa City hall minamatyagan
MANILA, Philippines - Muli na namang dumami ang mga empleyadong lalaki ng Manila City hall na mahahaba ang buhok at nagsusuot ng hikaw na una nang ipinagbawal gayundin ang pagtatambay sa isang mall malapit dito.
Ayon kay Deputy Mayor Joey Silva, dapat nang bigyan ng kaparusahan ang mga empleyadong ito na nagpapabaya lamang sa kanilang mga trabaho.
Aniya, mahigpit na niyang pinagbawal noon ang paghihikaw ng mga lalaki at pagkakaroon ng mahabang buhok dahil hindi angkop sa kanila na nagbibigay ng serbisyo sa publiko.
Bukod dito, napansin din ni Silva na pakonti nang pakonti ang dumadalo ng flag ceremony tuwing Lunes. Aniya, dapat ay alam ng mga empleyadong ito ang kanilang tungkulin at pagbibigay respeto sa bayan.
Idinagdag pa ni Silva na pinapakuha niya sa mga hepe ng iba’t ibang tanggapan ng city hall ang pangalan ng empleyado na nagsusuot ng hikaw, mahahaba ang buhok at hindi dumadalo sa flag ceremony upang mabigyan ng karampatang parusa. (Doris M. Franche)
- Latest
- Trending