Job visa holder binalaan
MANILA, Philippines - Babawiin ng Bureau of Immigration ang indefinite visa ng mga dayuhang nabigyan ng ganitong pribilehiyo kapag lumabag sila sa mga kundisyon sa pananatili nila sa Pilipinas.
Ito ang babala kahapon ni BI Commissioner Marcelino Libanan sa mga dayuhang nabibigyan ng indefinite visa dahil sa pagkuha ng mga manggagawang Pilipino para sa kanilang negosyo sa bansa.
Sinabi ni Libanan na kailangan ng mekanismo para matiyak na hindi sasamantalahin o aabusuhin ng mga aplikanteng dayuhan ang job visa program.
Napili si Atty. Eliodora Caluya, BI executive assistant, bilang pinuno ng four-man oversight committee na susuri sa aplikasyon ng mga dayuhang mamumuhunan na magtatayo ng negosyo sa bansa. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending