^

Metro

Mister dinumog ng 3 maton, patay

-

MANILA, Philippines - Namatay ang isang 43 anyos na mister nang pagtulungang bugbugin at barilin ng tatlong lalaki sa Barangay East Fairview, Quezon City kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang nasawi na si Reynaldo Binondo, may-asawa, ng #19 Molave Extension, East Fairview.

Pinaghahanap naman ng awtoridad ang mga suspek na sina Jimbo Campasano at kapatid nitong si Jeffrey, at Mico Cabcaban na mabilis na nagsipagtakas makaraan ang insidente.

Sinasabing nasa loob ng kanyang bahay si Binondo nang dumating ang mga suspek at pilit siyang pinalalabas at hinamon ng away.

Hindi naman tumugon ang biktima kaya lalong nagalit ang mga suspek hanggang sa magpaputok ang isa sa mga huli ng baril sa ere.

Dahil dito, napilitan ang asawa ni Binondo na si Marivic na lumabas at komprontahin ang mga suspek hanggang sa tutukan ito ng baril sa ulo ng isa sa mga huli.

Sa puntong ito, napilitang lumabas ang biktima sanhi upang bugbugin at barilin siya ng mga suspek. (Ricky Tulipat)


vuukle comment

BARANGAY EAST FAIRVIEW

BINONDO

EAST FAIRVIEW

JIMBO CAMPASANO

MICO CABCABAN

MOLAVE EXTENSION

QUEZON CITY

REYNALDO BINONDO

RICKY TULIPAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with