^

Metro

Manyak na Israeli ipinatapon ng BI

-

MANILA, Philippines - Pinatapon palabas ng ban­sa ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Israeli national dahil sa pang-aabuso sa mga Pinay kapalit ang pangakong dadalhin ang mga ito sa ibang bansa.

Si Daniel Berner, 37, ay pinatapon palabas ng bansa sakay sa Cathay Pacific pa­tungong Hongkong at Tokyo saka didiretso sa Tel Aviv, Israel matapos itong maaresto noong Hulyo 29 sa loob ng isang res­taurant sa Greenbelt mall sa Makati City ng mga operatiba ng BI Law enforcement division (LED|).

Makikipagkita sana ang suspek sa isang bibiktimahin nito nang isagawa ang entrap­ment operation laban dito ha­bang bitbit ang mission order na inisyu ni Immigration Commis­sioner Marcelino Libanan.

Ayon kay BI-LED acting assistant Epifanio Lambino Jr, ang pagkakaaresto kay Berner ay bunsod sa reklamo ng isa sa maraming naging biktima nito .

Nagpanggapp umano ang suspek bilang isang Canadian kung saan gumagamit din ito ng iba’t ibang alyas upang ma­kapang biktima ng mga Pinay at nakakapanloko sa pama­magitan ng email.

Pinapangakuan umano ng suspek ang mga biktima nito na pakakasalan sila upang maka­punta sila sa Canada at ang kanilang magiging anak kung mabubuntis sila kaya’t hinihi­kayat niya itong makipagtalik sa kanya. Nadiskubre rin ng BI na wanted din sa Japan, Great Britain at Canada si Berner dahil din sa kahalintulad na panlo­loko kaya’t nagpalabas ng US$50,000 reward ang gob­yerno ng Hongkong para sa ikadarakip nito.

Lumalabas sa imbestigas­yon na dumating sa bansa si Berner bilang turista subalit na­diskubre din na peke ang pasa­porte nito. (Gemma Amargo-Garcia)

BERNER

BUREAU OF IMMIGRATION

CATHAY PACIFIC

EPIFANIO LAMBINO JR

GEMMA AMARGO-GARCIA

GREAT BRITAIN

IMMIGRATION COMMIS

MAKATI CITY

MARCELINO LIBANAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with