^

Metro

Watchlist sa pamilya Jimenez, pinalawig

-

MANILA, Philippines - Pinalawig pa ng Department of Justice (DOJ) ang kautusan sa Bureau of Immigration (BI) na naglalagay sa watchlist order laban sa pamilya Jimenez na sinampahan ng kasong murder ni Rochelle Barrameda.

Sa isang kautusan na nilag­daan ni Justice Secretary Agnes Devanadera, nakasaad dito na balido ang extension maliban na lamang kung kanya itong i-terminate kung saan kabilang sa nasasakupan ng watchlist sina Manuel Jimenez II, Lope Ji­me­nez, Eric Fernandez, Spyke Descalso, Roberto Ponce a.k.a Boyet, Rudy at Manuel Mon­tero. Ang pamilya Jimenez, na siya ring may-ari ng Buena Suerte Jimenez (BSJ) Fishing and Trading Inc. ay iniimbes­tigahan dahil sa pagkamatay ni Ruby Rose Barrameda mata­pos madiskubre ang bangkay nito noong June 10, 2009 na na­ka­semento sa isang drum sa karagatan ng Navotas Fish Port malapit sa BSJ sa Malabon ma­tapos itong dukutin noong 2007.

Magugunita na si Montero na dating empleyado ng BSJ fishing industry ay itinuro ang pamilya Jimenez na siyang res­ponsable sa pagpatay sa ka­patid ni Rochelle na si Ruby Rose na asawa naman ni Manuel Jimenez II .

Pinagbasehan ng DOJ sa pag­lalagay sa watchlist ng pa­milya Jimenez ang nakabin­bing preliminary investigation at petition for review at base na rin sa kahilingan ng pamilya Barra­meda upang hindi matakasan ng mga akusado ang mga kasong kinakaharap nila. (Gemma Amargo-Garcia)

BUENA SUERTE JIMENEZ

BUREAU OF IMMIGRATION

DEPARTMENT OF JUSTICE

ERIC FERNANDEZ

FISHING AND TRADING INC

GEMMA AMARGO-GARCIA

JIMENEZ

JUSTICE SECRETARY AGNES DEVANADERA

MANUEL JIMENEZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with