^

Metro

2 guro courier ng droga, timbog ng NBI

- Nina Gemma Amargo-Garcia at Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Naaresto ng mga ahente ng National Bureau of Inves­tigation (NBI) ang dalawang gurong overseas Filipino workers (OFW) na ginagamit na courier ng sindikato ng droga sa isang operasyon sa Pasay City.

Nakilala ang mga nadakip na suspek na sina MaryJane Turalde Vargas, 28, kinder­garten teacher sa Guming, Shenzen ng Guming Shen­zen, Tao Jin Lu Guangzhou, People’s Republic of China at Salvador Agunday Alberto II, 30, teacher sa Shanwei Col­lege, Xiang Chang road, Shan­wei City, Guangdong Pro­vince,PROC at residente rin sa nasabing lugar.

Ayon kay NBI-AIDTF de­puty director Ruel Lasala, at Re­­action Arrest and Inter­diction Division (RAID) ang pagkakadakip sa dalawa ay dahil umano sa pakikipag­tulungan nila sa West African Drugs Syndicate (WADS), aktong nagde-deliver ng illegal na drugs.

Nabatid na dumating si Var­gas sa bansa mula sa Ma­laysia noong Hulyo 31, 2009 at nag-check-in sa Pasay Hotel kung saan ito nakipag­kita kay Alberto II.

Nakatakda sanang dalhin ni Alberto ang heroin sa China noon ding hapon ng Hulyo 31 sa pamamagitan ng China Southern Airlines flight. Su­balit pagdating nito sa depar­ture area ay kinom­pronta ito ng mga operatiba ng NBI kung ano ang laman ng bagahe kaya’t kaagad nitong itinuro si Vargas na siyang nag-utos sa kanya upang bitbitin ang bagahe nito patungong China.

Sa pagsisiyasat, nadis­kubre ng NBI ang 887.8 gramo ng heroin kaya’t ka­agad inaresto ang dalawa at sinampahan ng kasong pag­labag sa RA 9165 o trans­portation of dangerous drugs.

Labis namang ikinaalarma ng mga kinauukulan ang pag­kakasangkot ng mga OFW sa operasyon na droga. Sina­sabing ginagamit na courier ang mga ito para sa pagla­labas at pagpapasok ng ilegal na droga sa mga bansang kanilang pinupuntahan.

ALBERTO

ARREST AND INTER

CHINA SOUTHERN AIRLINES

DRUGS SYNDICATE

GUANGDONG PRO

GUMING SHEN

HULYO

NATIONAL BUREAU OF INVES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with