Kelot na walang trabaho, nagbigti
August 17, 2009 | 12:00am
MANILA, Philippines - Isang 22-anyos na binata ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili sa lungsod Quezon kamakalawa. Kinilala ang biktima na si Alberto Dadivas, walang trabaho, ng D-7 Don Julio Gregorio St., Barangay Bagbag sa naturang lunsod. Sa kasalukuyan, inaalam pa ng mga awtoridad ang dahilan ng pagpapakamatay ng biktima bagaman may hinala silang dahil sa kahirapan at kawalan ng trabaho ang dahilan nito. (Ricky Tulipat)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest