Binata ninakawan bago tinodas
MANILA, Philippines - Isang bangkay ng 28- anyos na binata na pinaniniwalaang pinatay muna bago pagnakawan ang natagpuan sa loob ng kanyang condominium na tadtad ng tama ng saksak sa buong katawan kahapon ng madaling-araw sa lunsod Quezon.
Kinilala ang biktima na si Winton Lou Ynlong ng 108 Sunrises condominium, Esteban Abanda St. Varsity Hills, Loyola Heights sa nasabing lunsod.
Nakahandusay at naliligo sa sariling dugo sa loob ng kanyang comfort room ang biktima nang matagpuan.
Ayon kay PO3 Elmer Bigornia ng Criminal Investigation and Detective Unit ng Quezon City Police District, bago ang pagkakadiskubre sa bangkay ng biktima, isang kaibigan nito na si Jojo Flores ang tumawag sa administrador ng condo upang i-verify ang kuwarto nito dahil hindi ito suma sagot sa kanyang tawag.
Nagpasya ang condo administrator na humingi ng tulong kay Flores at kinatok ang kuwarto ng biktima ngunit dahil hindi sumasagot ay nagpasya ang mga itong puwersahin na ito.
Nang mabuksan ay bumulaga sa kanila ang nagkalat na gamit dito hanggang sa matagpuan ang biktima sa loob ng CR at isa nang malamig na bangkay habang nakatali ng nylon cord ang mga paa. (Ricky Tulipat)
- Latest
- Trending