Bebot inatado

MANILA, Philippines - Isang babae ang nasawi matapos pagsasaksakin umano ng isang caretaker sa Brgy. Kaligayahan, Novali­ches, Quezon City ka­hapon ng madaling-araw.

Kinilala lang ng pulisya ang babae sa alyas na Jeck-Jeck na nakasuot ng itim na t-shirt, short pants, balingki­ni­tan ang katawan, naka sandals at may taas na 4’7’’. Gayunman, sa isang ulat, natukoy na Anna­belle Layog ang pa­ngalan ng biktima.

Natunton naman ng Cri­minal Investigation and De­tective Unit ng Quezon City Police ang sinasabing sus­pek na si Lauriano Agabao, 51, may-asawa, caretaker ng 8 Goldmine St., Nagkaka­isang Nayon, Novaliches habang nagpa­pa­gamot sa East Avenue Medical Center.

Isang guwardiyang si Lo­rante Abarra ang unang nakakita sa duguang bang­kay ng biktima sa compound ng Smart cell site sa Skylark St. cor. Nightingale, Brgy. Ka­­ligayahan.

Sa pahayag ni Abarra sa pulisya, dumalaw uma­no ang babae sa suspek sa na­sa­bing cell site at napuna niya na tila nagka­ka­sagutan ang mga ito subalit hindi niya pinansin. Makalipas ang ilang oras, habang nagru­ronda siya sa lugar, nakita na la­mang niya ang duguang ka­tawan ng babae na na­ka­bu­lagta sa loob ng tanggapan.

Sa pagsisiyasat, nag­tamo ng maraming tama ng saksak sa buong katawan ang biktima na siyang ikina­matay nito.

Idinepensa naman ni Agabao na nagtanggol lang siya sa kanyang sarili dahil una siyang sinaksak ng bik­tima. (Ricky Tulipat)

Show comments