MANILA,Philippines -Isang babae na sinasabing informer ng mga pulis ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi pa nakikilalang suspek sa Navotas City kamakalawa ng gabi.
Dead-on-the-spot sanhi ng tama ng bala sa kanang sentido si Esperenza Sacramento, ng Area 1, North Bay Boulevard South ng lungsod na ito. Sa pahayag ng saksing si Tessie Doble, nasa loob siya ng kanilang bahay sa Kitang Alley, NBBS alas-11:15 ng gabi nang nakarinig ng isang putok ng baril.
Agad siyang sumilip sa bintana at doon niya nakitang nakabulagta na ang biktima na naging dahilan upang itawag niya ang insidente sa pulis.
Hinihinalang paghihiganti ang motibo sa isinagawang pagpaslang sa biktima. (Lordeth Bonilla)