Akyat-bahay todas sa family driver

MANILA, Philippines - Isang hindi nakikilalang miyembro ng Akyat- bahay gang ang napatay makara­ang maispatan ito at barilin ng family driver sa bahay na kanya sanang pagna­nakawan sa lungsod Que­zon, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Dead-on-the-spot sa lugar ang nasabing ka­watan dahil sa tinamong tama ng bala sa katawan.

Agad namang sumuko sa pulisya ang nakabaril na si Rolan Umngay, 38, stay- in family driver ng Puyat family sa Cayetano St. cor. Arellano St., Ayala Heights, Brgy. Old Balara, Quezon City.

Ayon kay Umngay na­ganap umano ang insi­dente pasado alas-8:30 ng gabi ng pumasok sa loob ng bahay ng kanyang among si Mr. Puyat ang nasawi.

Dahil sa hinalang mag­nanakaw ito, nagpasya si Umngay na arestuhin ito, ngunit nang lapitan niya ito ay inatake umano siya ng biktima, dahilan upang mapilitan siya na barilin ito at masawi.

Sa pagsisiyasat ng awtoridad narekober sa lugar ang isang kalibre 38 baril na ginamit ng suspek sa pamamaril sa bik­tima. (Ricky Tulipat)

Show comments