^

Metro

5 sasakyan nagkarambola, trapik tumindi sa EDSA

-

MANILA, Philippines - Nagdulot ng matinding trapik sa Aurora underpass Cubao matapos na mag­ka­rambola ang limang sa­sakyan habang binabagtas ang nasabing lugar sa lungsod Quezon.

Partikular na nagsalpu­kan sa lugar ang isang Gold­rich bus liner (NYS-824) na minamaneho ni Michael Seno, 26; Polane Taxi (TXL-960) na mina­ma­ neho naman ni Rey­naldo Mendoza, 48; Wagon For­tuner (ZLM-655) na mina­maneho ni Randel Ochoa, 27; Artm Taxi (TxR-172), na mina­maneho ni Rowel Da­gatao; at isang Sedan (ZKE-956) na mi­na­­ma­neho naman ng isang Christo­pher Manansala, 35.

Ayon sa traffic sector 3 ng Quezon City Police, nangyari ang insidente pa­sado alas-6 ng umaga sa kahabaan ng Edsa north-bound lane, parti­kular sa Aurora underpass Cubao harap ng Metro Business College sa lungsod.

Diumano, magkaka­sabay na tinatahak ng na­sabing mga sasakyan ang nasabing lugar nang big­lang bundulin ng bus na minamaneho ni Seno ang Polani Taxi na minama­neho ni Mendoza hang­gang sa tumbukin nito ang taxi na minamaneho ni Dagatao, sanhi ng pagka­ka­bangga naman nito sa Fortuner ni Ochoa.

Sa pagkakabundol sa Fortuner ay sinalpok naman nito ang isa pang taxi na minamaneho ni Manansala, kung saan sa lakas ng impact ay puma­ibabaw ang una sa bu­bungan ng nasabing mga taxi. (Ricky Tulipat)

ARTM TAXI

CUBAO

FORTUNER

MANANSALA

MENDOZA

METRO BUSINESS COLLEGE

MICHAEL SENO

POLANE TAXI

POLANI TAXI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with