Mister iniwan ni misis, nagbigti
MANILA, Philippines - Dahil sa matinding kalungkutan matapos hiwalayan at iwanan ng kanyang misis, isang mister ang nagpatiwakal kamakalawa ng gabi sa Las Piñas City.
Nakilala ang nasawi na si Biteriano Cortez, 40, fish vendor at nakatira sa Sili st., Evergreen Homes, Tramo, Brgy. Pulang Lupa 1, ng nabanggit na lungsod matapos itong magbigti ng nylon cord.
Ayon sa anak na lalaki ng biktima, na si Dexto Mercado, alas-12 ng tanghali nang pumasok ang kanyang ama sa kuwarto at gabi na nang matuklasan na nakabigti ito. Nakuha sa tabi ng bangkay ng biktima ang isang suicide note na naka-address sa misis nitong si Amy at sa isang pastor.
Ayon sa mga kaanak ng biktima, depression ang dahilan nang pagpapakamatay ng biktima simula nang hiwalayan at iwanan ito ng kanyang misis. (Lordeth Bonilla)
- Latest
- Trending