MANILA, Philippines - Kasalukuyang iniimbestigahan ng pu lisya ang nakawan sa tanggapan ni Quezon City Vice Mayor Herbert Bautista.
Naunang inireport ng isang tauhan ni Bautista na si Darius Flake na isang photographer na, noong Martes, biglang nawala sa kanyang locker ang kanyang mamahaling laptop.
Naniniwala naman ang awtoridad na posibleng inside job ang insidente dahil sarado ang locker ni Flake nang tingnan niya ito.
Nabatid na may naunang ibang insidente ng mga nakawan sa kanyang tanggapan. (Ricky Tulipat)