^

Metro

2 pulis na karnaper, 3 pa, nalambat

- Nina Joy Cantos at Lordeth Bonilla -

MANILA, Philippines - Nalansag ng mga ope­­­ratiba ng National Capital Region Police Office ang isang pinag­hi­hinalaang notoryus na carnapping syndicate kasunod ng pagkaka­aresto sa limang mga kar­napper kabilang ang dalawang tiwaling pulis sa magkakahiwalay na operasyon sa Taguig City, kamakalawa.

Kinilala ni NCRPO Di­rector Chief Supt. Ro­ber­to Rosales ang na­unang nadakip na mga suspek na sina Floren­tino Arcilla Giron, Jr., 33, may-asawa; at Richard De­cano, 31, kapwa resi­den­te ng Cubao, Quezon City.

Nakuha kay Arcilla ang isang unit ng ­Delica na may plakang RAC-249 at isang unit ng Hyundai Starex na may plaka namang ZJB 478 habang nakuha naman kay Decano ang isang unit ng Ford Lynx ( RAL-214); isang unit ng Honda Civic (ZCB-448); isang Mitsubishi Adven­ture (ZNN- 473 ), isang unit ng Nissan Urban (ZRB-834) at isang Mit­subishi L 300 FB (ZHP-682).

Sa follow-up opera­tions, ayon kay Rosales dakong alas-12:20 na­man ng madaling-araw kamakalawa ay sumu­nod na nasakote ang tatlo pang suspek na sina SPO3 Alfonso Nuevas alyas Boy Nuevas, 49- anyos, nakatalaga sa Manila Police Head­quarters; PO2 Rolando Manipolo, 28, ng Calo­ocan City Police, at Miguel Gonzales, 23- anyos, motorcycle tech­ni­cian at nakatira rin sa Tondo, Manila.

Nasamsam mula kay Nuevas ang isang puting MIO Sporty (RH3614), isang itim na Yamaha MIO 2 Sporty na walang plaka, isang kulay gray na Hon­da XRM RS na walang plaka at isang itim na Honda XRM-135   na may plakang 9988-EE.

Nakuha naman kina Manipolo at Gonzales ang isang itim na Ya­maha ZR MIO na walang plaka at isang itim ring Yamaha Sporty Miso na wala ring plaka.

ALFONSO NUEVAS

ARCILLA GIRON

BOY NUEVAS

CHIEF SUPT

CITY POLICE

FORD LYNX

HONDA CIVIC

ISANG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with