14-anyos todas sa 16-anyos

MANILA, Philippines - Isang 14-anyos na estudyante ang patay matapos na pagsaksakin ng isang 16-anyos na binatilyo makaraang ma­pagkamalan ito ng huli na kanyang kaaway at makursunadahang pagsasak­sakin sa lungsod Quezon kamakalawa ng gabi.

Dalawang saksak sa katawan ang agad na tumapos sa buhay ni Daryll Pagdaranan, 3rd year high school student, ng Block 13, lot 23, Saint Claire St., Brgy. Camarin Caloocan City.

Pinaghahanap naman ng awtoridad ang suspek na si Edwin Minguel Soblante Jr., ng Brgy. Pasong Putik sa lungsod matapos na makatakas sa kamay ng mga barangay tanod sa lugar.

Ayon sa ulat, dayo lamang umano sa lugar ang biktima at napagkamalan ito ng suspek na kabilang sa gang na kanilang kaaway kung kaya nakursunadahang pagsasaksakin. (Ricky Tulipat)


Show comments