^

Metro

Matapos araruhin ang mag-ina: Prangkisa ng Jell Transport sinuspinde

-

MANILA, Philippines - Sinuspinde ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ng isang buwan ang prang­kisa ng Jell Transport bilang parusa sa naganap na aksidente sa Edsa Santo­lan kamakalawa ng hapon.

Sa aksidenteng ito, isang 3-anyos na bata ang namatay habang natang­gal ang kaliwang braso ng nanay nito nang araruhin ng bus ng Jell Transport na walang plaka na mina­ma­neho ni Mario Villamar   malapit sa  Edsa Santolan Flyover.

Kaugnay nito, sinabi din ni LTFRB Chairman Alberto Suansing na kanya ding ipatatawag ang may -ari ng naturang bus com­pany na si Elena Ong upang magbigay ng pali­wa­nag kung bakit hindi maaaring suspendihin ang prangkisa nito kaugnay ng insidente.

Muli, pinaalalahanan ni Suansing ang mga driver ng pampasaherong bus na palagiang mag-ingat upang maiwasang ma­ganap muli ang ganitong insidente.

Maging ang mga pe­des­trians anya ay maging maingat habang nasa gilid ng mga kalsada dahil ma­rami din ang mga abusa­dong driver na posibleng magpahamak sa kanilang buhay gaya ng naganap sa aksidenteng ito.

Tatlo na ang nama­matay sa aksidente sa lansangan na kagagawan ng bus ng Jell Transport ngayong taon ito na ang una ay noong Abril 2009. (Angie dela Cruz)

ABRIL

ANGIE

CHAIRMAN ALBERTO SUANSING

CRUZ

EDSA SANTOLAN FLYOVER

ELENA ONG

JELL TRANSPORT

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING REGULATORY BOARD

MARIO VILLAMAR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with