Miron sa mahjong inatado, dedo

MANILA, Philippines - Isang tricycle driver ang nasawi matapos na pagsa­sak­sakin ng isang lalaki habang ang una ay nanonood ng sugal na mahjong sa kanyang kapitbahay sa lung­sod Quezon kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Ramilito Valdez, 36, may-asawa ng Brgy. Culiat sa lungsod.

Pinaghahanap naman ang suspek na nakilala sa pa­ngalang Jojit Duran, na ma­bilis na tumakas makaraan ang krimen

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente malapit sa bahay ng biktima ganap na alas-6 ng gabi.

Bago nito, nanood ng mahjong ang biktima sa mga naglalarong kapitbahay nang biglang sumulpot ang suspek na armado ng patalim at inundayan ito ng sunud-sunod na saksak sa katawan.

Patuloy ang imbestigas­yon ng awtoridad sa nasabing insidente upang maaresto ang suspek at matukoy ang motibo ng pamamaslang sa biktima. (Ricky Tulipat)


Show comments