^

Metro

Hindi umapir sa hearing sa NBI: Vicki Belo iniwan sa 'ere' ni Atty. Tamayo

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Hindi sinipot kahapon ni beauty doctor Vicki Belo ang pagpapatawag ng imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa inire­reklamong hydrogel butt implant ng negos­ yan­teng si Josefina Norcio.

Ayon sa NBI, dahilan umano nito ay ang pagbi­bitiw ni Atty. Adel Tamano sa paghawak sa kaso para katawanin si Belo sa rekla­mong iniharap ni Norcio.

Panibagong mga abo­gado ang nagtungo sa NBI na kinabibilangan nina Atty. Agnes Marana at Atty. Hans Santos, para sa entry of appearance bilang bagong counsels ni Belo. Hiling daw ng mga ito na bigyan sila ng sapat na panahon para pag-aralan ang kaso.

Sinabi ni Head Agent Ross Bautista, executive officer ng Deputy Director Intelligence Services (DDIS), dapat ay personal na lumutang na si Belo sa susunod na linggo para magpaliwanag.

Mariin namang kinon­tra ni Atty. Argee Gue­varra, abogado ni Norcio ang sinasabi ng kabilang kam­po na nagpa-serbisyo pa sa ibang doktor si Norcio sa kanyang butt implant, bukod sa Belo doctors, kung saan nito nakuha ang kaniyang sakit.

Si Belo ay idinidiin na siyang nag-assess kay Nor­cio bago pa isagawa ang butt implant sa loob ng Belo Medical Group subalit hindi umano nag-abiso sa posibleng side effects ng gagawing ­at ang website advertisements din nila na nagsa­sabing permanent filler ang hydrogel kaya ito ang napili.


vuukle comment

ADEL TAMANO

AGNES MARANA

ARGEE GUE

BELO

BELO MEDICAL GROUP

DEPUTY DIRECTOR INTELLIGENCE SERVICES

HANS SANTOS

HEAD AGENT ROSS BAUTISTA

NORCIO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with