Sekyu todas sa amok
MANILA, Philippines - Butas ang dibdib ng isang mister matapos pagbabarilin ng isang nagwawalang kapitbahay na lalaki sa lungsod ng Quezon kahapon ng madaling-araw. Patay na nang maisugod sa ospital ang biktimang si John Lester Tan, 25, guwardiya, ng Block 4, Daang Tubo, sa naturang lunsod.
Pinaghahanap naman ng awtoridad ang tumakas na suspek na si Erick Sonio. Bago nito, nagpunta ang suspek sa bahay ng biktima bitbit ang isang sumpak at hinahamon ang huli na lumabas ng kanyang bahay.
Si Mary Tan, asawa ng biktima, ang napilitang lumabas at inawat ang suspek ngunit lingid sa kaalaman nito, sumunod sa kanya ang asawa kaya nang makita ito ng huli ay pinaputukan sa dibdib. (Ricky Tulipat)
- Latest
- Trending