^

Metro

'Tinapos ko na ang buhay ng nanay mo'

-

MANILA, Philippines - “Wala na Neng, tinapos ko na ang buhay ng nanay mo,” ito ang huling binigkas ng isang mister sa harap mismo ng kanyang anak matapos saksakin ang kanyang sarili at pagsa­sak­sakin ang kanyang misis sa lungsod ng Que­zon­, iniulat kahapon.

Selos ang sinasabing ugat upang patayin sa saksak ng suspek na si Nilo Matira, 47, may-asawa, negosyante ng #067 Kalayaan D. Extension, Freedom Parked 5, Batasan Hills, Quezon City, ang kanyang misis na si Aida, 45, negos­yante sa nasabi ring lugar.

Ayon kay PO3 Joseph Madrid ng Criminal Investigation and Detective Unit ng Quezon City Police, mismong sa harap ng ka­nilang anak na si Leonida, nasa hustong gulang, nagsaksak si Nilo upang tapusin na rin ang kanyang buhay matapos na gawin ang karahasan sa kanyang misis.

Lumilitaw sa imbesti­gasyon ni Madrid na nang­­­yari ang insidente pasado alas-12:00 ng hatinggabi nang magka­roon ng ma­initang pagta­talo ang mag-asawa sa loob ng kanilang bahay.

Sinasabing labis na pinagselosan ni mister si misis na umano’y may ibang lalake kung saan nagkaroon ang mga ito ng palitan ng maanghang na salita hanggang sa nana­himik ang silid nito.

Sa tulong ng ilang kapitbahay, isinugod si Aida sa Far Eastern University Hospital pero hindi na umabot dito nang buhay ang biktima.  

Nasa malubhang kala­gayan naman sa East Ave­nue Medical Center si Nilo habang isinusulat ito. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

AIDA

BATASAN HILLS

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTIVE UNIT

EAST AVE

FAR EASTERN UNIVERSITY HOSPITAL

FREEDOM PARKED

JOSEPH MADRID

KALAYAAN D

MEDICAL CENTER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with