3 miyembro ng 'Ativan gang' timbog

MANILA, Philippines - Arestado ang tatlong hini­hinalang miyembro ng “Ativan gang” matapos bik­ timahin ang isang Koreana sa Quezon City.

Kinilala ang mga sus­pek na sina Diana Santos, 34, Michael Magtuto, 24; at Marlon Cruz, 33, pa­wang taga-Araneta Ave., Brgy. Tatalon, Quezon City.

Kinilala naman ang bik­tima na si Kim Min Jeong, Korean national, 32, na nasa panga­ngalaga na ng District Police Intelligence Operating Unit ng Quezon City police­.

Batay sa ginawang imbes­tigasyon, nilapitan uma­­no ng mga suspek ang biktima sa Luneta, Maynila at nagpa­kilalang tourist guide at dahil dito ay ma­dali raw napalagay ang loob ng da­yuhan sa tatlo dahil mababait naman daw ang mga ito.

Pinasyal pa umano ng mga suspek ang biktima sa iba’t ibang lugar sa Maynila hanggang sa magtungo sila sa Scotch videoke bar sa Banawe, Quezon City at dito na umano nilagyan ng mga suspek ang inu­ming beer ng biktima ng ativan na isang uri ng sleeping pill.

Nakita raw ng mga ibang kostumer sa na­sabing videoke bar ang ginawang paglalagay ng tableta sa inumin ng bik­tima dahilan para mag­sumbong ang mga ito sa mga awtoridad dahilan para maaresto ang mga suspek. (Angie dela Cruz)


Show comments