^

Metro

Dahil Sa Pagbaha, Klase sa MM sinuspinde

-

MANILA, Philippines - Dahil sa walang humpay na pagbuhos ng malakas na ulan na nag-dulot ng mga pagbaha ay napilitan kahapon ang Department of Education-National Capital Region (DepEd-NCR) na suspinde­hin na ang mga klase sa pre­school, elementarya at high school sa ilang mga lungsod sa Kalakhang Maynila base na rin sa rekomendasyon ng mga lokal na pamahalaan ng mga apektadong lugar

Alas-12:30 kahapon ng tang­hali nang tuluyang idek­lara ni DepEd-NCR Director Teresita Domalanta ang klase sa naturang mga antas sa Valenzuela, Caloocan, Pasay, Manila , Taguig at Pateros.

Nabatid na ang suspen­syon ng klase ay bunga na rin ng malakas na hangin at ulan na sinabayan pa ng matinding mga pagbaha sa nabanggit na mga lugar bunsod ng bagyong si “Kiko”.

Bunga naman ng naturang anunsiyo ng DepEd-NCR ay nagsuspinde rin ng kanilang klase ang ilan pang mga pri­ba­dong eskwelahan kahapon ng hapon.

Nilinaw naman ng DepEd na ang anunsiyo kahapon sa suspensiyon ng klase ay unang ginawa ng mga lokal na pamahalaan ng mga naapek­tuhang lungsod na kinatigan naman ng mga City School Divisions heads dahilan upang tuluyang pagtibayin na rin ito ng DepED-NCR. (Rose Tamayo-Tesoro)

BUNGA

CALOOCAN

CITY SCHOOL DIVISIONS

DAHIL

DEPARTMENT OF EDUCATION-NATIONAL CAPITAL REGION

DIRECTOR TERESITA DOMALANTA

KALAKHANG MAYNILA

ROSE TAMAYO-TESORO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with