Lola pugot ang ulo sa tren

MANILA, Philippines - Napugot ang ulo at na­durog ang katawan ng isang 74-anyos na lola na sinasa­bing mahina ang pandinig, nang mahagip at maka­lad­kad ng rumaragasang ba­gong Philippine National Railways (PNR) train sa Sampaloc, May­­nila, ka­hapon ng umaga.

Dead-on-the-spot ang bik­tima na kinilalang si Virginia Macahilig, caretaker ng 1126 Prudencio st., Sampaloc.

Sa pagresponde ni SPO4 Jessie Oliveros, ng Manila Police District-station 4, na­ga­nap ang insidente dakong alas-8:45 ng umaga, habang papatawid sa may riles ng tren sa kahabaan ng Piy Margal St., Sampaloc, ang biktima nang salpukin ng rumaraga­sang tren na nagmula sa Alabang patungong Tutuban.

Sa panayam kay Manila Traffic Bureau, SPO1 De­metrio Bunquin, nakaladkad ng halos 20 metro ang bik­tima matapos itong mahagip ng tren.

Ayon sa mga residente, hindi umano marahil narinig ng matanda ang malakas na busina ng tren dahil sa ma­hinang pandinig, bunga ng katandaan.

Sa pakikipag-ugnayan ni SPO1 Bunquin sa PNR-Tutuban main office, natukoy ang driver ng train na si Dennis Capuz na sasam­pahan nila ng kasong reckless imprudence resulting in homicide.

Show comments