^

Metro

Parak itinumba dahil sa droga

-

MANILA, Philippines - Iligal na droga. Ito ang sina­sabing umano’y ugat upang pag­babarilin hang­gang sa ma­patay ng dalawang salarin ang isang ka­gawad ng pulisya  sa may Com­monwealth Market ka­makalawa ng hapon sa lungsod Quezon.

Kinilala ang biktima na si PO3 Jerry Samson Martinez, 44, nakatalaga sa Station Anti-Illegal Drugs (SAID) ng Ma­labon City Police at nakatira sa 233 Old Village Association, Marian St., Brgy. Common­wealth ng nasabing lungsod.

Matapos ang isinagawang pamamaslang ay basta na lamang ito iniwanan ng mga sa­larin ng naka-computer type na brown envelope na may naka­sulat na katagang  “PUSHER, WAG TULARAN, SUSUNOD KA NA, DANIEL VERGARA”.

Ayon kay  Quezon City Po­lice District (QCPD)  Homicide section Chief Insp. Benjie Elen­zano, napatunayan nilang dro­ga ang ugat ng nasabing pama­maslang nang magsagawa sila ng imbestigasyon sa Common­wealth Market sa Common­wealth Avenue kung saan na­ganap ang pamamaril at natuk­lasan nila na ang tinukoy na “Daniel Vergara” ay isang kilala umanong drug pusher. Dahil dito, bagama’t hindi kinukum­pirma ng QCPD na pusher ang biktimang pulis ay posibleng may kinalaman sa droga sa nasabing pama­maslang.

Ayon sa ulat, alas-3:30 ng hapon nang pagbabarilin ng dalawang armadong kalalaki­han na armado ng kalibre .45 baril si Martinez habang ito ay  nakatayo at nakikipag -usap sa kanyang mga kaibigan sa na­sabing palengke. Siyam na tama ng bala ng baril ang bu­maon sa katawan ng nasabing pulis na agad nitong ikinamatay.

Nagsasagawa pa rin ng masusing imbestigasyon  ang QCPD kaugnay sa nasabing insidente. (Ricky Tulipat)


AYON

BENJIE ELEN

CHIEF INSP

CITY POLICE

DANIEL VERGARA

JERRY SAMSON MARTINEZ

MARIAN ST.

OLD VILLAGE ASSOCIATION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with