Bangkay ng kapatid natuklasan ng may sayad

MANILA, Philippines - Pinaniwalaan na rin sa huli ang isang ba­baeng may diperen­siya sa pag-iisip nang ma­patunayang nagsa­sabi ito ng totoo na patay na ang kaniyang kapatid na lalaki sa Tondo, May­nila, sa ulat kahapon.

Hinihinalang may ilang araw nang patay ang biktimang si Noel Castillo, alyas “Jon-jon”, 31-anyos, binata, wa­lang trabaho ng 485 Gate 20 Area-H. Pa­rola compound, Tondo.

Dakong alas-3:00 ng hapon kamakalawa nang madiskubre ang pagkamatay ng bik­tima sa ikalawang pa­lapag ng kanyang bahay.

Sa salaysay ni Ne­nita Guarde, tiyahin ng biktima, sinabi umano sa kaniya ng pamang­king si Elena, nakata­tandang kapatid ng bik­tima, na nakita niyang patay na si Noel.

Dahil sa may sakit sa pag-iisip ang da­laga, hindi umano ito pinani­walaan subalit nang makaamoy ng tumitin­ding baho at masang­sang, naghi­nala ang tiyahin na baka totoo ang sina­sabi ng pa­mangkin.

Nang akyatin ang silid sa ikalawang pala­pag, nakitang naka­bigti pa ang biktima sa nylon cord at masang­sang na ang amoy.

Wala pang matukoy na dahilan o motibo sa pagpapatiwakal ng bik­tima. (Ludy Bermudo)

Show comments