6-anyos dinugo sa daliri ng ex-convict
MANILA, Philippines - Dinugo ang kaselanan ng isang anim na taong gulang na batang babae nang kandungin at daliriin umano ng isang 49-anyos na dating bilanggo sa Tondo, Maynila, sa ulat kahapon.
Nadakip naman at ikinulong ng pulisya ang suspek na si Antonio Sulayban, residente ng Int. A Dagupan Extn., Gagalangin, Tondo matapos pormal na ireklamo ng labanderang ina ng biktima na hindi ibinunyag ang pangalan at residente ng District 2 sa naturang lunsod.
Sa ulat ni SPO1 Juzemar Feleo ng MPD-Women and Children Concern Division, dakong alas-12:30 ng hapon nang arestuhin ng mga barangay official at tanod ang suspek habang naglalakad sa J. Planas Extn., Gagalangin.
Nadiskubre lamang ang krimen nang paliguan umano ng ina ang biktima at habang sinasabi ang nangyari rito ay pumalag at umaray ang biktima. Nang alamin ay nakitang nagdurugo ang ari nito kaya hinimok na magkwento kung bakit ito nasugatan.
Sa salaysay ng biktimang itinago sa pangalang “Ineng”, grade 1 sa isang public school sa Tondo, inutusan siya ng kanyang nanay na bumili sa tindahan dakonga alas-2:00 ng hapon kamakalawa nang tawagin siya ng suspek at kinandong umano at ipinasok ang daliri umano ng suspek sa kaniyang ari.
Bukod pa rito, sinabi rin ng biktima na una na rin umano siyang kinakandong ng suspek at hinihipo at dinadaliri sa kaniyang kaselanan sa hindi matandaang petsa.
Nabatid na labas-masok na sa Manila City Jail ang suspek at pinakahuli ang paglaya nito noong 2008 kaugnay sa paggamit ng iligal na droga.
Kilala umano sa lugar na adik sa shabu ang suspek at nilayasan na ito ng kaniyang asawa.
Nakapiit na sa MPD-WCCD ang suspek habang hinihinaty pa ang medico legal certificate sa pagsusuri sa ari ng biktima. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending