Lolo lasog sa dump truck

MANILA, Philippines - Patay ang isang lolo ma­tapos  masagasaan ng dump truck habang ang una ay nakatayo sa gilid ng kalsada sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Nakilala ang nasawi na si Benjamin Padian, 69,  ng Mangga st., Amparo, Camarin ng lungsod.

Inaalam na ng mga pulis kung sino ang driver ng dump truck  na may plakang XNR-231 na hindi na huminto ma­tapos ang insidente. Sa inisyal na pagsisiyasat ng pu­lisya, naganap ang insidente dakong alas-5 ng umaga habang  nakatayo ang biktima sa Gate 2 ng Amparo Subd., ng lungsod na ito,  nang ma­hagip ng humahagibis na dump truck.

Nagulungan pa ang bik­tima na naging dahilan ng kamatayan nito habang tuluy-tuloy na tumakas ang suspek. (Lordeth Bonilla)


Show comments