^

Metro

Abucay Pumping Station mas sinisi sa pagbaha

-

MANILA, Philippines - Sinisisi ng mga resi­dente ng Maynila sa kabu­bukas na Abucay Pumping Station  sa lungsod ang mas lalo pang paglala ng pagbaha sa ka­nilang lugar tuwing umuulan.

Ayon sa mga residente  mula sa 2nd, 3rd at 4th Dis­trict,  hindi nawala ang pag­baha sa kanilang mga lugar bagama’t nagbigay noon ng katiyakan si City Engineer Armand Andres ng Manila City Hall na ito lamang ang nakikitang paraan upang  mawala ang pagbaha. 

Matatandaan na sinabi ni Andres na  mawawala na ang pagbaha sa  Maynila sa san­daling magawa ang nasabing pumping station.

Nabatid na umaabot na sa baywang  ng mga resi­dente ang  baha sa R. Papa St., Ave­­nida Ave.-Blu­mentritt, Dimasalang, Oroquieta  at sa lugar ng Sampaloc tuwing umuulan ng malakas.

Napag-alaman sa mga re­sidente na hinarangan uma­ no ang mga creek sa R. Papa St. corner Avenida kung kaya’t tumataas ang  tubig bukod pa sa mga basurang  tinatapon dito.

Lumilitaw na isang opis­yal din mismo ng City Hall ang na­apektuhan ng  pag­taas ng baha ­samantalang wala na­mang bagyo. (Doris Franche) 


ABUCAY PUMPING STATION

CITY ENGINEER ARMAND ANDRES

CITY HALL

DORIS FRANCHE

MANILA CITY HALL

MAYNILA

PAPA ST.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with