2 great presidents kinilala
MANILA, Philippines - Kinilala ng Quezon City government ang mga nagawa ng dalawang naging Pangulo ng bansa, sina dating Pangulong Manuel Luis Quezon at dating Pangulong Corazon Aquino na parehong yumao sa petsang Agosto 1.
Kahapon, sa Quezon City Memorial Circle, pinangunahan ni QC Mayor Feliciano “SB” Belmonte at Vice Mayor Herbert Bautista ang ika-65 death anniversary ni Quezon. Habang kahapon din (Agosto 1) nang sumakabilang buhay dakong alas-3:18 ng madaling-araw si dating Pangulong Corazon Aquino sa Makati Medical Center.
Sa okasyon, kinilala nina Belmonte at Bautista ang magandang nagawa sa bansa sa dalawang naging Pangulo na kapwa naging daan sa pagtatamo ng kalayaan at demokrasya sa bansa.
Nakiisa sa okasyon ang apo ni Quezon na si Ricky Quezon-Avanceña at nagsabi rin na ang dalawang lider ng bansa ay pawang nagbigay ng kanilang matinding pagmamahal sa bayan at pamilya.
Kasabay din nito, nagpahatid din ng pakikiramay ang pamahalaang lungsod ng Quezon sa pamilya Aquino sa pagyao ng dating Pangulo.
Kasama din sa naturang okasyon ang mga konsehal at pulisya sa lungsod.
- Latest
- Trending