^

Metro

Mga preso boboto rin

-

MANILA, Philippines - Sinimulan na ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang pagpaparehistro sa mahigit 62,000 preso sa buong bansa na inaasahang lalahok sa 2010 elections.

Ayon sa BJMP, nauna nang nagpare­histro ang tinatayang may 334 na mga preso sa Sta Rosa City jail. Inaasahang sa su­sunod na araw ay magsasa­gawa rin ng registration sa iba pang hawak na kulungan ng BJMP. Sinabi ni Supt. Lyndon Torres, warden ng Caloocan City Jail, nakasaad sa memo­randum  na dapat isagawa ang registration ng mga preso mula sa city, municipal at district jail sa buong  bansa na panganga­siwaan ng mga Comelec poll officers  at mga tauhan ng BJMP.

Ayon kay Torres, sa ilalim ng sistema kung bababa sa 200 preso ang magpaparehistro, isasagawa ito sa loob ng kulungan habang kung mahigit sa 200 preso naman ay isasa­gawa naman ang registration  sa itinalagang polling precints.

Nabatid na ang CCJ ay mayroong 1,300 na preso na naka­takdang magsagawa ng registration sa darating na Oktubre ngunit sasalain pa ng BJMP kung sino ang nararapat lamang na magparehistro. Itinakda ng Comelec ang huling araw ng registration sa darating na Oktubre 31, 2009, anim na buwan bago ang 2010 national elections.

Ang mga papayagan lamang na makapagparehistro ay ang mga preso na kasalu­kuyang under trials ang kaso at ang hindi pa sentensyado kayat nangangahulugan na hindi pa naalis ang karapatan nilang bumoto. (Ricky Tulipat)

AYON

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

CALOOCAN CITY JAIL

COMELEC

LYNDON TORRES

OKTUBRE

PRESO

RICKY TULIPAT

SHY

STA ROSA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with