2,000 kilo ng botcha nakumpiska
MANILA, Philippines - Saku-sakong mga “double dead” na karne ng kabayo at baboy na umaabot sa mahigit 2,OOO kilo ang nasamsam ng pulisya, kahapon ng madaling-araw sa Pasay City. Batay sa ulat ng Pasay City Police, dakong alas-4 ng madaling-araw nang masabat ang naturang mga “hot meat” na pawang nakasilid sa 14 na sako sa Virata St., Maricaban, nabanggit na lungsod. Arestado naman ang isang William Clet Virtusio na siyang may dala ng naturang mga “double dead” na karne.
Nabatid na nagbunga ang positibong operasyon ng pulisya matapos na makatanggap ng impormasiyon ang mga ito hinggil sa iligal na pagpapakalat ng naturang mga karne na itinitinda sa Pasay City Public Market. Ayon naman sa Pasay City Veterinarian Office, wala rin umanong kaukulang ‘meat inspection certificate’ ang nasabing mga karne. Agad namang dinala sa crocodile farm sa Roxas Boulevard ang naturang mga naturang ‘hot meat’ upang gawing pagkain ng mga buwaya doon. (Rose Tamayo-Tesoro)
- Latest
- Trending