^

Metro

DA binulabog uli ng bomb threat

-

MANILA, Philippines - Muli na namang nabulabog ang trabaho ng mga empleyado sa tanggapan ng Department of Agriculture (DA) matapos na makatanggap sa pamamagitan ng text messages ang isang hepe dito ng bantang pagpapasabog kahapon ng umaga.

Dahil sa naturang banta, agad na pinalabas ng kani-kanilang kuwarto ang mga empleyado upang makaiwas sa posibleng kapahamakan. Ayon kay SPO1 Faustino Esplana ng Special Weapon and Tactics-Explosive Ordnance Division ng Quezon City Police,  nag-ugat ang gulo matapos na maka­tanggap ng tatlong beses na pagbabanta sa pamamagitan ng text messages si Vince Tejada, executive director ng Bureau of Soil and Water Manage­ment ng nasabing kagawaran.

Ganap na alas-10:04 ng umaga nang matanggap ni Tejada ang unang mensahe na nagsasaad ng “Mr. Tejada maraming masasaktan sa magaganap na pagsabog sa DA main bldg., may naipasok na bomba sa loob ng bldg., parte ito ng panggu­gulo ng mga kalaban ng gobyerno, concern lang kami kaya ilikas n’yo na ang mga tao.”

Sumunod na mensaheng dumating kay Tejada ganap na alas-10:15 ng umaga ang katagang “ Ang daming tao ngayon dyan sa DA wag ipagwalang bahala.” Hanggang alas-10:22 ng umaga ang huling mensahe: “isa sa mga opisina dyan ini­lagay, anytime puputok ‘yon.” Samantala, sa ginawang panelling ng hanay ng SWAT-EOD mula sa buong gusali ay napag-alamang negatibo ang nasabing bomba. Maaalalang Hunyo 29 nang madiskubre ang isang bomba sa paligid ng nasabing kagawaran dahilan upang maghigpit ng seguridad dito. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

BUREAU OF SOIL AND WATER MANAGE

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

FAUSTINO ESPLANA

MAAALALANG HUNYO

MR. TEJADA

QUEZON CITY POLICE

RICKY TULIPAT

SPECIAL WEAPON AND TACTICS-EXPLOSIVE ORDNANCE DIVISION

TEJADA

VINCE TEJADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with