MANILA, Philippines - Daan-daang mga commuters ang na-stranded makaraang pumalya ang pintuan ng isa sa mga coaches ng Metro Rail Transit 3, kahapon ng umaga sa Makati City.
Batay sa ulat, dakong alas-7 ng umaga nang halos isang oras na na-diskarel ang biyahe ng MRT sa Magallanes station ng lungsod.
Ayon kay MRT 3 deputy manager Nestor delos Santos, pumalya ang automatic control ng pintuan ng isa sa mga coaches dahilan upang pansamantalang itigil muna ang biyahe nito.
Bumalik lamang ang normal na biyahe nang mahila na ang naturang coach mula sa riles ng Magallanes station.
Nagbunga naman ang naturang insidente ng pagkaka-stranded ng daan-daang pasahero ng MRT. (Rose Tamayo-Tesoro)