^

Metro

Operasyon sa Pier paralisado

-

MANILA, Philippines - Makaraang ilunsad ng Alliance of Concerned Truck Owners Organization (ACTOO) at Confederation of Truckers Association of the Philippines (CTAP) ang “indefinite strike”, paralisado kahapon ang ope­ras­yon sa lahat ng daungan sa bansa.

Ayon kay Ricky Papa, Pre­sidente ng ACTOO, hinihiling nila na buwagin na lamang ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang Presidential Anti-Smuggling Group (PASG) siba­kin ang hepe nitong si PASG Chief Antinio “Bebot” Villar.

Inakusahan ni Papa si Villar, nang pangingidnap ng mga kargamento ng mga importer at ipinatutubos sa halagang P20,000 sa 20 footer van, habang P40,000 naman sa 40 footer van,kahit binigyan na ng go signal ng Bureau of Custom (BOC) na lumabas sa Pier.

Nagbanta ang ACTOO na hindi titigil ang iba’t ibang trucking association sa pagsasa­gawa ng strike, hanggat hindi nasisibak sa puwesto si Villar.

Sinabi ni Papa, na sa kani­lang asosasyon,umabot sa may 4,000 trucking na bumibiyahe kada araw, ang hindi bumiyahe ngayon. Samantalang sinabi naman ni Agapito Mendez Jr., President ng Professional Custom Brokers Association of the Philip­pines,na 5,000 professional brokers ang lumahok sa kanilang “indefinite strike”. (Doris Franche)

AGAPITO MENDEZ JR.

ALLIANCE OF CONCERNED TRUCK OWNERS ORGANIZATION

BUREAU OF CUSTOM

CHIEF ANTINIO

CONFEDERATION OF TRUCKERS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

DORIS FRANCHE

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PRESIDENTIAL ANTI-SMUGGLING GROUP

PROFESSIONAL CUSTOM BROKERS ASSOCIATION OF THE PHILIP

RICKY PAPA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with