5 sa 13 pugante sa Caloocan, timbog

MANILA, Philippines - Balik-kalaboso ang lima sa labing-tatlong preso na pumuga sa detention cell ng North Extension Office ng Caloocan City Police kamakalawa ng gabi at kahapon ng madaling-araw. Kinilala ang mga nadakip na pugante na sina Pedro Ramos, 28, Rolando Hernandez, 20, Jude Mar Jordan, 29, Noli Paredes, 18 at Ryan Francillo, 23. Kasalukuyan pa rin pinaghahanap ng mga pulis sina Aldrin Dacosta; Pedro Cabondo; Rodel Abad; Rolando Lozano; Jonathan Fritz; Rodolfo Santiago; Felix Valen­zuela at Marvin Santos. Ayon sa mga nadakip, kaya lamang umano sila tuma­kas ay dahil sila aniya ang pinagbibintangang bumugbog at nakapatay sa kapwa preso na si Francisco Madarag. Matatandaan, na nakapuga ang mga ito sa detention cell ng NEO sa kasag­sagan ng ulan ala-1 kama­kalawa ng umaga. (Lordeth Bonilla)

Show comments