Bataoil dismayado sa kaso ng Parañaque shootout
MANILA, Philippines - Dismayado si P/Director Leopoldo Bataoil matapos na kasuhan sila kaugnay ng kontrobersyal na Parañaque shootout na ikinasawi ng 16 katao noong Disyembre 2008.
Ito’y kaugnay ng inihaing kasong multiple murder sa Parañaque City Prosecutor’s Office ng pamilya ng mag-amang Alfonso at Lia Alyana de Vera na napatay sa shootout laban kay Bataoil at mga pulis pang sangkot sa insidente.
Sa kabila nito, inihayag ni Bataoil na ipauubaya na nila sa Department of Justice (DOJ) ang desisyon sa isinampang kaso laban sa kanila.
Si Bataoil ay kasalukuyang Director ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ng mangyari ang shootout.
Umaasa si Bataoil na magiging katanggap-tanggap sa magkabilang panig ang magiging desisyon ng korte sa kanilang kaso kasabay ng paninindigan na walang matinong pulis ang papatay ng inosenteng sibilyan at hindi kukunsintihin ng PNP ang paglabag sa human rights. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending