13 preso pumuga sa Caloocan

MANILA, Philippines - Pumuga   ang labing-tatlong preso sa detention cell ng North Extension Office ng Caloocan City Police habang nasa kasagsagan ng ulan kahapon ng madaling araw. Nakilala ang mga nakatakas na sina Aldrin Dacosta; Pedro Ramos; Rolando Hernandez; Pedro Cabondo; Rodel Abad; Rolando Lozano; Rolly Paderes; Jodemar Jordan; Jonathan Fritz; Ryan Ranillo; Rodolfo Santiago; Felix Valenzuela at Marvin Santos na may iba’t ibang kaso. Batay sa ulat, ala-1 ng madaling-araw nang tumakas ang mga preso na nagdaan sa kisame na tu­ magos sa likuran bahagi ng presinto. Nabatid na 23 ang naka­kulong sa nasabing detention cell at sinasabing nag­pa­pahinga ang duty officer na si Insp. Francisco San­tos nang ma­ganap ang pagtakas. Dahil dito, sinibak sa puwesto ng National Capitol Region Police Office si Supt. Florendo Quebuyen bilang hepe ng NEO habang tinu­­tu­gis na ng mga pulis ang mga nakatakas.

(Lordeth Bonilla)

Show comments