Anne Curtis shocked sa car accident

MANILA, Philippines - Na-“shock” sa sobrang takot ang aktres na si Anne Curtis matapos na sumal­pok ang minamaneho niyang sports car sa isang mini-truck sa Quezon City ka­ hapon ng madaling- araw.

Base sa ulat ni SPO2 Rey­naldo Patiag ng Traffic Sector 6, ala-1:30 ng ma­­daling-araw nang ma­ganap ang aksidente sa panu­lukan ng Congres­sional Ave­nue at Mindanao Ave­nue sa nasabing lungsod.

Binabaybay ng aktres o Anne Smith Ojales sa tunay na buhay ang kahabaan ng Min­danao Avenue sakay ng minamanehong Porsche SUV nang pagsapit sa Congressional Ave. ay big­lang nawalan ito ng preno at dumiretsong su­malpok sa likurang bahagi ng Mitsu­bishi Canter FB na mina­ma­neho ni Marcelino Aquino.

Dahil bahagya lamang ang impact ng pagkaka­bangga ay na-shock ang aktres kasabay ng pana­nakit ng katawan nito.

Samantala, nangako naman ang aktres na sa­sagutin ang sira ng mini-truck ng biktima matapos siyang kasuhan ng damage­ to pro­perty sa himpilan ng na­sabing pulis trapiko.

Ayon kay Patiag, hindi na isinugod ang actress sa pagamutan dahil kaunting bugbog lamang sa kata­wan ang sinapit nito. (Ricky Tulipat)


Show comments