Bebot na preso pumuga

MANILA, Philippines - Isang 23-anyos na dalaga ang pinaghahanap ng pulisya matapos maka­puga sa Manila Police District-Station 9 at isailalim sa inquest proceedings kama­kalawa ng hapon sa Ma­late, Maynila.

Ang tumakas na suspek na may kasong Theft ay kinilalang si Melissa Mar­cos, 23, at residente ng 1206 Sandico St.,Tondo, Maynila.

Sa imbestigasyon ng MPD-General Assignment Section, dakong alas-3:00 ng hapon kamakalawa ay dumating sa MPD Station 9 ang mga pulis kasama ang suspek na kinasuhan ng theft sa prosecutor’s office.

Nakiusap umano si Marcos na makikigamit ng comfort room subalit dahil walang tubig sa detention cell ay pina-eskortan ang suspek kina PO3 Clarmel Dimatulac at PO1 Arnold Opimo palabas ng selda at dinala sa CR ng Intelligence Section.

Lumipas ang mahigit 30 minuto ay hindi pa luma­labas ang suspek kaya puwersahang binuksan ang CR at doon natuk­ lasan na wala na roon ang suspek at basag na rin ang salaming bintana ng banyo.

Hinihinalang dumaan sa likuran ng himpilan ang suspek sa pagtakas nito. (Ludy Bermudo)

Show comments