Lim wala munang abroad
MANILA, Philippines - Sinabi kahapon ni Manila Mayor Alfredo Lim na hindi muna siya magtutungo sa ibang bansa para makadalo sa mga misa para sa paggaling ni dating Pangulong Corazon Aquino na dumaranas ng sakit na colon cancer. Takda sanang pumunta ni Lim sa Behai, China sa susunod na buwan dahil sa imbitasyon ng mga opisyal doon pero, dahil kay Gng. Aquino, magpapadala lang muna siya sa naturang bansa ng isa niyang kinatawan. Sinabi ni Lim na ayaw niyang lumiban sa anumang healing mass para kay Aquino. (Doris Franche)
- Latest
- Trending