P40-milyong pekeng bag kinumpiska ng NBI
MANILA, Philippines - Nasabat ng mga ahente ng National Bureau of Investigation ang may P40 milyon halaga ng pekeng “LeSportac” bags sa isinagawang pagsalakay sa mga bodega at ilang tindahan sa Binondo, Maynila.
Kabilang sa mga sinalakay ang stalls sa No. 1B-26, IB-34, IE-29, IN-07, IF-4 na nasa 168 Shopping Mall, Sta. Elena St., Binondo at stalls CUG -64, CUG 60/62, BUG -60/62, ES-30/32, New Divisoria Mall, Tabora St., San Nicholas, Maynila; at isang bodega na nasa 501 Aclem Bldg., Juan Luna, Binondo.
Ang pagsalakay ay ginawa bunsod sa reklamo ng Didymus Business Proprietary Support Services na kumakatawan sa Le Sportac products at sa bisa ng warrant of arrest na pinalabas ni Judge Antonio Eugenio Jr. ng Manila RTC Branch 21.
Nabatid na nagsagawa ng serye ng surveillance ang mga operatiba ng NBI-Intellectual Property Rights Division sa ilalim ng pamumuno ni Regional Director Atty. Elfren Meneses.
Tinatayang aabot sa may 22,371 piraso ng iba’t ibang pekeng Le Sportac bags ang nakumpiska.
Nahaharap naman sa kasong paglabag sa RA 8293 na kilala bilang Intellectual Property Code of the Philippines sina Tony Tan, Jocelyn Que-Tan at dalawang John Does. (Gemma Amargo-Garcia)
- Latest
- Trending