^

Metro

'Mauna akong magpahinga, susunod kayo'

-

MANILA, Philippines - “Isa akong holdaper mauna na ako magpa­hinga mga kasama pero kayo na ang susunod sa akin.”

Ito ang nakasulat sa kapirasong plywood na nakasabit sa leeg ng bangkay ng isang lalaki na hininalang binigti ng hindi pa kilalang suspek   sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.

Nakilala ang biktima na si Ramon Nicode­mus, 29, ng Phase 8, Bagong Silang, Caloocan City.

Sa record ng Caloocan City Police, nabatid na miyembro ng Spider Gang si Nicodemus na nang­ hoholdap umano sa Bagong Silang at kalapit na lugar.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, alas-2:30 ng madaling-araw nang matagpuan ng isang tricycle driver si Nicodemus na naka­handusay sa Phase 7A, Bagong Silang.

Lumalabas na pinatay sa pamamagitan ng pag­bigti ng alambre si Nicodemus kung saan nakasulat din ang mga pangalan nina Butchoy Pinto, alyas Che Che, Boy Itot, Amok Sibilyan at Jayson Cervantes na isusunod umanong lilikidahin. (Lordeth Bonilla)


vuukle comment

AMOK SIBILYAN

BAGONG SILANG

BOY ITOT

BUTCHOY PINTO

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

CHE CHE

JAYSON CERVANTES

LORDETH BONILLA

NICODEMUS

RAMON NICODE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with