Mga dayuhang sasama sa rali sa SONA, imomonitor ng Bureau of Immigration
MANILA, Philippines - Inatasan kahapon ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Nonoy Libanan ang kanyang mga intelligence operatives na i-monitor at manmanan ang lahat ng mga dayuhan na lalahok sa mass actions sa Lunes sa darating na State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Sa memorandum ni Libanan inatasan nito si Atty. Faizal Hussin, BI intelligence chief na imbestigahan ang lahat ng mga aktibistang dayuhan na lalahok sa mga kilos protesta sa Lunes at kaagad na isailalim sa deportation proceedings at ilagay sa immigration blacklist.
Bukod dito, inatasan din si Hussin na mangalap ng lahat ng impormasyon at pagkakakilanlan sa pamamagitan ng litrato, pasaporte, address ng tirahan at immigration status tungkol sa mga dayuhan na lalahok sa kilos protesta.
- Latest
- Trending