^

Metro

17-anyos hulog mula sa 4th floor, lasog

-

MANILA, Philippines - Pinaluwas ng Manila para magtrabaho ang isang 17-anyos na binatilyo upang makaiwas sa kapa­hamakan sa probinsya dulot ng madalas na pagka­kasangkot nito sa rambulan, ngunit tila ito rin ang nagdala dito sa kapahamakan matapos na mahulog  sa ika-apat na palapag ng isang gusali na kanyang ginagawaan sa lungsod ng Quezon kahapon ng umaga.

Basag ang bungo at nakadapa nang abutan ng kanyang mga kasamahan ang biktimang si Jessie Dohinog, tubong Negros Occidental, empleyado ng Niceman Construction Corporation, ng Banahaw St., Martin St., Cubao sa lungsod matapos na mahulog mula sa nasabing palapag.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente sa may Regalia­ Tower Suits na matatagpuan sa Edsa corner­ P. Tuazon ganap na alas-11 ng umaga.

Bago ito, nasa naturang palapag umano ang bik­tima bilang helper na taga- hatak ng tali ng tuntungan ng mga kasamahan nito na nagpipinta ng gusali.

Ayon kay Ernie Aguilar, kasamahan ng biktima, dahil oras ng break time, nagpasya ang biktima na bumaba mula dito, kung saan habang naglalakad sa gilid ng pasimano ay bigla itong nadulas sanhi upang mahulog ito at dumiretso paibaba sa isang compound partikular sa Reyes compound malapit sa gusali.

Sinasabi ni Capili, ang pagbagsak ng katawan ng biktima ay padapa kung kaya labis na napuruhan ang mukha nito at mabasag na siyang agad na ikinamatay nito.

Nabatid na isang buwan pa lamang umano ito sa Maynila at pinasok bilang helper para mailayo sa gulo ng mga kabataan at para na rin makatulong sa pa­milya. (Ricky Tulipat)

AYON

BANAHAW ST.

BASAG

ERNIE AGUILAR

JESSIE DOHINOG

MARTIN ST.

NEGROS OCCIDENTAL

NICEMAN CONSTRUCTION CORPORATION

RICKY TULIPAT

TOWER SUITS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with