^

Metro

Bomber na parak, timbog

- Nina Joy Cantos at Lordeth Bonilla -

MANILA, Philippines - Nalutas na ng mga awto­ridad ang naganap na serye ng pagpapasabog sa dala­wang banko sa Camanava area kamakailan matapos masa­kote ang isang dinismis na tiwaling pulis na respon­sable sa insidente sa ope­rasyon sa Caloocan City ka­makalawa.

Sa press briefing sa Camp Crame kinilala nina National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief P/Director Roberto “Boysie” Rosales   ang suspect na si dating PO3 Leandro Songcuan. Natunton ang suspect sa kanyang ta­hanan sa Vista Verde, North Ave­nue Kaybiga, Caloocan City.

Ayon sa ulat, isang foreign trained bomb expert technician at dating miyembro ng Special Weapons and Tactics Team (SWAT) at Bomb Squad sa Caloocan City at Valen­zuela City Police Stations ang suspect bago ito nadismis sa serbisyo.

Binanggit pa na nadismis sa serbisyo sa PNP noong 2004 ang suspect matapos itong mabuking na sangkot sa serye ng robbery/holdup sa Camanava area at iba pang lugar sa Metro Manila.

Nabatid na si Songcuan ay may dalawang nakabimbing warrant of arrest sa kasong rob­bery with threats and intimidation. Walang inireko­men­dang piyansa sa nasa­bing naligaw ng landas na parak.

Si Songcuan ay positibong itinuro ng mga testigo na siyang naghagis ng bomba sa ATM ng Union Bank sa Va­lenzuela City noong Hulyo 13 at Allied Bank Branches sa Caloocan City noong Hulyo 13.

Sa isinagawang search operation sa bahay ng suspect ay nakumpiska ang mga sangkap sa paggawa ng pam­pasabog.

Inihahanda na ang pagsa­sampa ng kasong arson at illegal possession of explosives laban sa nasakoteng dating pulis.

ALLIED BANK BRANCHES

BOMB SQUAD

CALOOCAN CITY

CAMANAVA

CAMP CRAME

CHIEF P

CITY POLICE STATIONS

DIRECTOR ROBERTO

HULYO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with