^

Metro

3rd Serbisyo Caravan ng DOLE at DOE sa mga nawalan ng trabaho

-

MANILA, Philippines - Upang lalong mapalakas ang Comprehensive Livelihood and Emergency Employment Program ng pamahalaan magsa­sa­gawa ang Department of Labor and Employment, ng 3rd Serbisyo Caravan para sa mga empleyadong nawalan ng trabaho sa Building 64, Celery St. FTI Complex, Taguig City bukas (Hulyo 25) mula alas-8:00 ng umaga – 5:00 ng hapon. Ang naturang programa ay magbibigay ng trabaho, kaka­yahan at livelihood programs   para sa mga na-displaced at disadvantaged workers pati na rin sa kanilang pamilya. Inilunsad din ito bilang tugon sa direktibang ipinalabas ni Pangulong Gloria Arroyo para masagip ang mga empleyado sa nagaganap na global economic downturn. Kamakailan lamang, naapektuhan na rin ng krisis ang mga manggagawa ng Triumph International, Star performance Company at Goodyear Philippines kung saan ang pangasiwaan ng mga ito ay nagdesisyon magsara sa dara­ting na Agosto na nanga­nga­hulugan na aabot sa 1,700 ang mawawalan ng trabaho. Kung kaya ang DOLE at DOE ay magbibigay ng iba’t ibang prog­rama sa isang venue sa pamamagitan ng local govt. units at ang susu­nod nilang stop ay sa Muntaparlas area. Sa isang araw na event, magkakaroon ng Diskuwento Caravan, government sponsored flea market kung saan maka­kabili ang mga manggagawa at consumers ng mga commodities at gamot sa mababang halaga. Ito rin ay mayroong job fair kung saan may 50 local employers at 20 overseas recruitment agencies ang handang magbi­gay ng trabaho. Maaari din mag-log-on na lang ang mga naghahanap ng trabaho sa Phil-Jobnet and Employment. Aalalay din dito ang ibang ahensiya ng gobyerno at pribadong sector tulad ng Philihealth, Social Security System, Bureau of Internal Revenue, National Bureau of Investigation at PAG-IBIG fund, mag­sasagawa din ng skills training ang TESDA – NCR at pagbi­bigay ng scholarship coupon; business counseling naman ang ibibigay ng Meralco Foundation Inc.

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

CELERY ST.

COMPREHENSIVE LIVELIHOOD AND EMERGENCY EMPLOYMENT PROGRAM

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

DISKUWENTO CARAVAN

GOODYEAR PHILIPPINES

MERALCO FOUNDATION INC

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with