^

Metro

Kaminero nabundol na, hulog pa sa tulay, patay

-

MANILA, Philippines - Nabangga na, nahulog pa sa 10 talampakang taas ng fly-over.

Ito ang dobleng kamalasang nangyari sa isang kaminero matapos salpukin ng isang rumaraga­ sang kotse na minamaneho ng isang Ateneo student habang ito ay naglilinis sa ibabaw ng tulay sa lungsod ng Quezon kahapon ng umaga.

Si Christopher Tuazon, miyembro ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ay nagawa pang maisugod ng rescue team ng MMDA sa Quezon Memorial Medical Center (QMMC), ngunit hindi na umabot pang buhay sanhi ng matinding pinsala sa kanyang katawan at ulo.

Ang suspek na kusa namang sumuko sa mga awtoridad ay kinilalang si Yoon Du Sim, 20, binata, Political Sciences student sa Ateneo, at residente ng Sunset view, ng 2230 Roxas Blvd., Pasay City.

Ayon sa ulat naganap ang insidente sa may Katipunan Avenue, Flyover, Brgy. Loyola Heights sa lungsod ganap na alas- 8:30 ng umaga.

Kasalukuyang naglilinis sa Tuazon nang biglang bundulin ito ng   driver ng isang rumara­gasang Toyota Altis(ZEP-296) na minamaneho ng naturang estudyante.

Sinasabing galing ng Boni Serrano ang kotse at patungo ng Ateneo at tinatahak ang naturang lugar nang mabundol nito ang biktima habang nagwawalis sa taas ng tulay.

Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang biktima, bago tuluyang mahulog ito mula sa tulay na may lalim na 10 talampakan at lumagpak sa kalsada.

Tumagal ng halos ilang minuto bago tuluyang dumating ang rescue team at itakbo ang biktima sa naturang ospital, habang ang suspek naman ay kusang sumuko sa mga awtoridad. (Ricky Tulipat)

ATENEO

BONI SERRANO

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

KATIPUNAN AVENUE

LOYOLA HEIGHTS

PASAY CITY

POLITICAL SCIENCES

QUEZON MEMORIAL MEDICAL CENTER

RICKY TULIPAT

ROXAS BLVD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with